image source ShowTime |
Dear Miss Pastillas,
Kumusta ka? Una sa lahat gusto ko munang linawin na hindi ako sumulat sayo para magpapansin.Wala akong balak na umakyat sa Showtime stage at mag nga ngakngak bilang new suitor mo.
Gusto ko lang sabihin sayo na wala kang karapatan umiyak. Wala kang karapatang mag reklamo kung bakit maraming nag ba bash sa iyo ngayon. Wala ka sa lugar para hanapin ang kung sino man yang Mr.Pastillas na hinahanap mo. Sinasabi ko sayo, hindi mo ito makikita habang may kamerang nakatutok sayo at make-up na nakabalot sa totoo mong nararamdaman.
Unang una, nagtagumpay ang programang showtime na makapili ng mga suitors para sayo at nagtagumpay naman sila na makakuha ng taga sunod ng #Twiterserye ng buhay mo. Ngunit sa kabila nito, kitang kita ko sa mga mata mo na hindi ka masaya.
Hindi ka masaya dahil ulam ka ngayon sa usap usapan at panlalait habang kinumpara ka ng isang piping Yaya at ng isang aktor na malalim ang dimple. Aminin natin, nakaka kilig naman ang tambalan nila. Alam mo sekreto nila? Una, artista yung Alden. Si Maine naman ay online superstar. Ang ALDUB ay binubuo ng magagaling na writers and comedian hosts. Meaning, mas madali nilang magampanan ang mga roles nila ika nga.
Pero I tell you, mas maganda ka kay Maine, yun nga lang, mabigat panoorin ang buhay mo dahil pinipilit ng Showtime na piga-in ka. Kinakalkal ang mga ‘past tense’ ng pribadong buhay mo kaya nasasaktan ka dahil lumalabas ngayon sa facebook ang mga yosi moment photo mo. Dati, para sayo, astig yun. Ngayon na inilabas ka ng showtime, binase na ng tao ang mga ganung photos para i-judge ka.
Dahil hinayaan mong i-capitalize ng TV program na ito yung Pastillas video mo. Kaya again, wala kang karapatan mag drama keso ang daming nag ba-bash sayo ngayon. Ipinalit mo ang dating buhay mo sa kasikatan kaya girl maging matatag ka. Wag ka masyadong umarte. Nakakaumay minsan ang tamis ng pastillas.
Para sa akin, mas mataas ang sex appeal mo kay sa kay Maine . Ang tipo mo hindi yung pa-cute effect. Pa dimple. Pabebe. I find you sexier than Maine (Na pa English tuloy ako) Kaya sayang at hinayaan mo ang ilaw ng kasikatan ang humanap ng maging kabiyak mo. Syempre, choice mo yan. Sayang lang at hindi ka napagsabihan.
Kaya heto, tanggapin mo ang petisyon ng Gabriela, a women’s rights advocate, na handang dumulog sa MTRCB para bigyan ng puna ang programa mo sa Showtime. Pambubugaw diumano at kawalan ng respeto sa isang binibining pinay na tulad mo. Mali diumano ang pinopromote ng segment na ito.
Ang puso kasi hindi mo dapat diktahan o ni Vice Ganda o ng direktor ng programa. At the end of the day, ikaw parin ang mawawalan habang ang tinuturing mong pamilya sa noontime ay yumayaman. Ang pag-ibig ay hindi mo makikita sa entablado. Walang romansa at walang saysay ang ‘date’ kung may lenteng nakatutok sa inyong dalawa. Isang malaking kahangalan para papaniwalain nyo na totoo ang mga nangyayari sa segment na ito.
Totoo naman, tumaas ang rating ng show. Nagimbal ang internet. Sumiklab ang himagsikan sa facebook. Kalyeserye vs Pastillas. Pero I tell you, hindi magandang halimbawa ang ipinapakita ng show nyo. Kaya mahal na mahal ang tambalang Aldub ng mga tao kasi tinuturuan nila ang mga viewers nito na ang lahat ng bagay ay hindi ganun kadali makamtan.
Pati ang mga buhay at past stories ng mga suitors mo eh kinakalkal na ngayon ng mga netizens. Maraming pribadong buhay ang nag tre-trending at nadadamay sa mga pang ba bash ng mga tao.
Well, again, mas maganda ka kay Maine Mendoza. Isa akong Its Showtime fan. Isa ako sa mga taga sunod sa mga banat ni Vice. Isa ako sa mga hindi masyadong nanonood ng Eat Bulaga. Pero, kung laging pastillas nalang ang ipapakain sa akin araw araw, ayokong mamatay sa diabetes. Kaya umalis ka na sa show na yan at ipagpatuloy mong hanapin si Mr. Pastillas doon sa labas ng studio. Makikilala mo rin sya sa TAMANG PANAHON.
No comments:
Post a Comment